Home ENTERTAINMENT Sen. Bong, pumalag sa fake news!

Sen. Bong, pumalag sa fake news!

Manila, Philippines- Kahit maraming fake news na lumabas laban sa re-electionist na si Senator Bong Revilla ay ‘di naman dapat paniwalaan ‘yon ng madlang pipol.

Katulad na lang ng sinasabi sa online na di raw mahal ni Sen. Bong ang mga muslim.

Ang sagot lang ni Sen. bong. ” Fake news. Alam Kasi nila na mahal ako ng mga kapatid nating muslim.”

Kaya dapat na tigilan na ng mga taong naninira Kay Sen. Bong ang mga maling balita dahil nga may kasabihan tayo na, “You cannot put a good man down.”

Pinatunayan ng bida ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na panalo ito sa puso ng Pinoy matapos magwagi ng Best Mini Series ang kanyang programa sa 38th PMPC Star Awards for Television.

Tuwang-tuwa ang action star na gumaganap bilang si Tolome sa panibagong karangalang iginawad sa kanilang serye.

“Grabe! Sobrang nakakataba ng puso! Mula umpisa hanggang dulo, ibinuhos namin ang lahat para mabigyan kayo ng isang palabas na hindi lang puno ng aksyon at tawanan, kundi may aral at lalim din.

“Nagpapasalamat kami sa PMPC sa pagkilalang ito, sa aming production team, at higit sa lahat, sa mga manonood na walang sawang sumuporta,” pahayag ng mambabatas.

Kahit tapos na ang Season 3 ng show, hindi pa rin kumukupas ang kasikatan nito.

Pinag-usapan ito dahil sa kakaibang timpla ng aksyon, tawanan, at kurot sa puso.

Kasama ni Senador Bong sa tagumpay na ito sina Beauty Gonzalez, Niño Muhlach, Dennis Padilla, at iba pang mahuhusay na artista.

Usap-usapan ngayon kung magkakaroon ba ng Season 4 ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis!

Hindi pa ito kinukumpirma ni Senador Bong, pero marami na ang nag-aabang – babalik kaya si Tolome sa telebisyon?

Abangan! Mercy Lejarde