Home ENTERTAINMENT Ai Ai, binawi na ang green card application ni Gerald!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ai Ai, binawi na ang green card application ni Gerald!April 1, 2025 13:14 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Palibhasa very close to each other kung kaya’t napakakumportable ni Ai Ai de las Alas nang interbyuhin siya ni BB Gandanghari.Doon inalam ni BB kung saang stage na ang Comedy Queen after her separation from her husband Gerald Sibayan.Dumadaan nga naman sa apat na stages ang sinuman sa proseso tungo sa healing.At this point, aminado si Ai Ai na hindi pa siya completely healed.Nasa stage of acceptance na raw siya pero hindi niya itinanggi na may “anger” pa rin sa kanyang puso.Kung lilimiin, ang pinaka-gist ng naturang panayam ay tungkol sa pagpapatali ni Ai Ai kay Gerald.Taong 2017 when they got married pagkatapos ng tatlong taong pagiging magnobyo.“But it was a wrong decision,” paglilinaw ng komedyana.Susog ni BB: “From the beginning?”Tugon ni Ai Ai: “Oo, mula’t mula pa… pinanindigan ko na lang!”Ayon sa PEP, automatically revoked na ang petisyon ni Gerald na makapag-apply ng green card para maging American citizen.Ang panloloko ni Gerald kay Ai Ai ang ginamit na ground ng huli.Matatandaang November 11, 2024 nang makipaghiwalay si Gerald kay Ai Ai sa Viber.Hindi na raw ito masaya sa piling ni Ai Ai who later discovered na may ibang babae pala si Gerald. Ronnie Carrasco IIi