MANILA, Philippines – Tinitingnan ng Commission on Elections (Comelec) kung posible pa ring maisagawa ang online voting para sa mga Filipino sa Myanmar para sa eleksyon sa Mayo kasunod ng magnitude 7.7 na lindol na tumama sa nasabing bansa noong Marso 28.
Sinabi ng Comelec na apektado ang mga telecommunication infrastructure, at kung hindi pa maaayos ay maaaring bumoto ang mga Filipino gamit ang balota at counting machine.
“Ayaw pa naming isuko. Gusto namin official report ng consulate or ng embassy sa Pilipinas kung talagang kaya ng magpa-electronic voting dun o yung internet voting. Gusto namin alamin paano nakaapekto ang lindol sa infrastructure ng bansa at kung effective pa rin ba ang internet voting sa Myanmar. Otherwise, baka ipadala namin kaagad yung mga makina,” sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia. RNT/JGC