MANILA, Philippines – Inaasahan ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes, Hunyo 16, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ayon sa DOE, maaaring ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang sumusunod na price adjustments:
-Diesel: bababa ng ₱3.71 hanggang ₱5.71 kada litro
-Gasolina: maaaring bumaba ng ₱0.32 o tumaas ng ₱1.68 kada litro
-Kerosene: bababa ng ₱0.50 hanggang ₱2.50 kada litro
Nauna nang inanunsyo ng Shell na simula alas-6 ng umaga ng Martes ay ipatutupad nito ang mga sumusunod:
-Diesel: -₱3.71/litro
-Gasolina: +₱1.68/litro
-Kerosene: -₱0.50/litro
Ayon sa ulat, patuloy ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa pag-asa ng mga mamumuhunan na matatapos na ang tensyon sa Gitnang Silangan at muling magiging bukas ang Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng mga barkong nagdadala ng langis. RNT/MND