MANILA, Philippines – IPINAG- utos ni Chief PNP P/Gen. Rommel Francisco D. Marbil ang implementasyon ng nationwide security plan para masiguro ang kaligtasan at seguridad ang nalalapit na 2025 Summer Vacation (SUMVAC) Season.
Ang Regional Office Calabarzon sa pamumuno ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas Regional Director ng PRO4 Calabarzon ay preparado sa implementation and hightened security measures for Ligtas SUMVAC 2025, bukod dito nasa 24,710 personnel ang nakahandang ipakalat, para sa seguridad ng publiko ngayon summer season.
Kabilang sa ipapakalat ang 8,151 PNP personnel, 16,559 force multifliers mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), iba pang ahensya ng pamahalaan, at Barangay Peace Keeping Action Team (BPAT).
Bukod sa pinaghahandaan ng PRO4 Calabarzon ang pagdagsa ng mga motorista at public activities, gayundin ang sunod-sunod na seasonal events na kinabibilangan ng Lenten Season, Philippine Veteran’s Week, Araw ng Kagitingan, Labor Day, National Flag Day, Flores De Mayo, at kapistahan sa ibat-ibang lugar.
Para masiguro ng PRO4 Calabarzon ang peace and order ay tinukoy na nila ang 1,031 mga critical areas na kailangan palakasin ang security measures kung saan nasa 213 lugar na nagsasagawa ng mga religious event na inaasahang maraming tao ang dadalo, 249 major thouroughfares, samantalang ipapakalat din ang mga traffic marshals, at route security para sa inasahang pagdagsa ng mga sasakyan at mga taong tumatawid sa pedestrian lane, transportation hubs at terminal na magsisilbing transit points ng mga bumibiyahe.
Pagtutuunan din ang nasa 206 commercial areas, kabilang ang mall, pamilihan, tiangge, at business centers, gayundin ang 276 major tourist destination ang mga beaches, private resorts, parks at iba pang pampublikong lugar sa inaasahan na dami ng tao at mabigat na daloy ng trapiko.
Ayon kay PBGen. Lucas, ang mga kapulisan sa lahat ng mga Police Stations and Units ay naka-full alert.
“Security is not just about visibility—it is about readiness, vigilance, and commitment to protecting every citizen. Our personnel are fully prepared to ensure that this summer season is not only enjoyable but, most importantly, safe for everyone,” ani Lucas.
Upang mapalakas ang seguridad, ang PRO4A ay kailangan ng tulong ng komunidad partikular ang mga volunteers, force multipliers and local government units, kung saan ang Department of Tourism (DOT) ay katuwang ang PNP upang maipamahagi ang travel safety tips at kaligtasan ng mga turista.
Bukod sa safety tips at emergency hotline numbers ay nakatutok din ang lahat ng opisyal ng PRO4A at Police Stations sa Facebook pages, para sa mga update sa mga safe travel practices upang matulungan ang mga commuters at motorista na maayos na makakarating sa kanilang patutunguhan at ligtas makakauwi sa kanilang mga tahanan at makaiwas sa anumang aksidente.
Pakiusap ni PBGen.Lucas sa publiko na maging alerto at ireport ang mga taong may kahina-hinalang ikinikilos at kaagad na makipag-ugnayan sa mga awtoridad. Ellen Apostol