Home METRO HVI, 5 kasabwat timbog sa Parañaque drug ops

HVI, 5 kasabwat timbog sa Parañaque drug ops

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Parañaque City police ang anim na indibidwal kabilang ang isang high value individual (HVI) sa ikinasang drug operations Sabado ng hapon, Marso 29.

Kinilala ng Parañaque City police ang mga nadakip na suspexts na sina alyas Anne, 43, residente ng Barangay Better Living, na tinaguriang HVI, at ang kanyang mga kasabwat na sina alyas Maite, 45; alyas Donna, 31; alyas Peter, 28; alyas Darwin, 47; at isnag alyas Jeffrey, 33, mga residente ng Parañaque City.

Base sa report ng Parañaque City police sa Southern Police District (SPD) director PBGen Manuel Abrugena, naganapa ang pag-aresto sa mga suspects dakong alas 5:30 ng hapon sa Barangay Don Bosco, Parañaque City.

Sinabi ni Abrugena na sa isinagawang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque City police sa ilalim ng pamumuno ni P/Captain Luis D. Gazzingan Jr. ay narekober sa posesyon ng mga suspects ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, dalawang mobile phones, drug paraphernalia at ang P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit (SPDFU) upang isailalim sa quantitative at qualitative analysis.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police ang mga suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

“This successful anti-drug operation underscores our commitment to eradicating illegal drugs in our communities. We will continue to intensify our efforts to ensure the safety and security of our people,” ani Abrugena. James I. Catapusan