Home ENTERTAINMENT Sulyap ni David kay Kathryn, huling-huli!

Sulyap ni David kay Kathryn, huling-huli!

Manila, Philippines- Pasimpleng bistado naman!

Ganito maaaring ilarawan ang viral video kung saan huling-huli ang ginawang pagsulyap ni David Licauco kay Kathryn Bernardo.

Huli cam nga ang pasimple pero bistado namang patingin-tingin ng Kapuso actor sa Kapamilya actress when they both shared the stage sa idinaos na Bench: Body of Work kamakailan.

Bukod sa pagsulyap, huling-huli rin ang walang kasingwagas na ngiti ni David habang pinagmamasdan si Kathryn.

Lalo pang nag-light up ang mukha ng aktor nang makaharap niya si Kathryn to whom he said “hi.”

Even in his past interviews, inamin naman ni David na tagahanga siya ng aktres.

In fact, looking forward si David to working with Kathryn–bagay na hindi na imposible given this season of network collabs.

Very positive naman ang mga komento ng netizens sa tambalan nila if ever.

Walang nakikitang masama ang mga ito kahit mas pinu-push ang BarDa loveteam nila ni Barbie Forteza.

“KathDa”.

..why not? Ronnie Carrasco III