Home NATIONWIDE Helicopter sakay si Revilla nag-emergency landing sa Cebu

Helicopter sakay si Revilla nag-emergency landing sa Cebu

MANILA, Philippines – Nag-emergency landing ang helicopter na sinasakyan ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Cebu dahil sa pisi ng isang saranggola.

Ito ang kinumpirma ng opisina ni Revilla kung saan ang insidente ay nangyari umano noong Marso 28.

“He is okay. He and his family had a Mass yesterday to thank the Lord that nothing bad happened,” saad sa pahayag ng media relations ni Revilla.

Sa hiwalay na pahayag, inalala ni Revilla ang karanasan kung saan sakay sila ng chopper nang mapansin ng piloto na may mali sa tail rotor ng sinasakyan nila at nalaman na may nakabuhol palang tali ng saranggola rito.

Dahil dito ay nagdesisyon ang piloto na magsagawa ng emergency landing. RNT/JGC