Home NATIONWIDE Myanmar nagdeklara ng week of mourning sa mga nasawi sa lindol

Myanmar nagdeklara ng week of mourning sa mga nasawi sa lindol

MYANMAR – Nagdeklara ng week of national mourning ang Myanmar kasunod ng pagsampa sa 2,000 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.7 na lindol na tumama noong nakaraang linggo.

Dahil dito ay ilalagay sa half-mast ang mga watawat sa Myanmar hanggang Abril 6 “in sympathy for the loss of life and damages” saad sa pahayag ng ruling junta.

Ang anunsyo ay inilabas kasabay ng puspusang rescue efforts sa Mandalay, isa sa pinaka-apektadong lungsod sa Myanmar.

“The situation is so dire that it’s hard to express what is happening,” ayon kay Aung Myint Hussein, chief administrator ng Mandalay Sajja North mosque.

Nasa kalsada pa rin ang mga residente na hindi makabalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa huling ulat ng junta ay umabot na sa 2,056 ang bilang ng mga nasawi at mahigit 3,000 katao naman ang sugatan at 270 ang nawawala. RNT/JGC