Home ENTERTAINMENT Joaquin, all-around sa fast food na itinayo!

Joaquin, all-around sa fast food na itinayo!

Manila, Philippines – Ugbo Food should ring a bell lalung-lalo na sa mga taga-Tondo.

Located on Velasquez St., dinarayo ang mga pagkain sa Ugbo.

Its food list includes the famous “tumbong” ng baboy, camto, dila ng baka, lechon with sauce atbp.

Ito ang nagsilbing inspirasyon kay Joaquin Domagoso na magtayo ng Ugbo 24/7 sa Bonifacio Global City.

Galing ang kanyang recipe mula pa sa yumaong lola from whom Joaquin got his inspiration to get his business started.

Kung hindi rin lang busy sa taping, the son of former Manila City Mayor Isko Moreno makes it a point to man the resto.

Papel bilang kahero at crew na rin ang ginagampanan ni Joaquin.

When on cash register ay naka-apron siya; when serving their customers ay naka-hairnet naman.

Laking mura raw ang mga pagkain nila roon.

Dahil self-service, wala na nga namang service charge na ipinapataw sa bill.

Tulad din ng karaniwang trabahante si Joaquin doon who reports for work at 11am all the way until 6-7pm.

Aminadong maselan at metikuloso si Joaquin pagdating sa kanilang mga produkto.

Kailangan daw niyang tiyaking bukod sa fresh ang mga karne’y malinis na malinis ito.

Hopefully, magkaroon daw sana ng iba pang branch ang kanyang fast food na sagot sa mga foodies na ang hanap ay masarap na at abot-kaya pa ang presyo. Ronnie Carrasco IIi–