MANILA, Philippines – Isang construction worker ang namatay makaraang pagsasaksakin ng kanyang kainuman dahil umano sa selos sa Brgy. Taywanak Ilaya, Alfonso, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Christopher Ronquillo, 35 taong gulang, nakatira sa nasabing lugar subalit patay ng idating sa pagamutan dahil sa tinamong tama ng patalim sa katawan.
Pinaghahanap naman ang suspek na si alyas Biboy, 32, binata, isang hardinero at kapitbahay ng biktima.
Ayon sa report, bandang alas-9:10 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa lugar kung saan nag-iinuman ang biktima, suspek at tatlo pa nilang mga kaibigan pero nang nakarami na ng ininom ay naglabas ng patalim ang suspek at mabilis na inundayan ng saksak ang biktima.
Napag-alaman na pinagseselosan umano ng suspek ang biktima sa pinopormahan nitong babae.
Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ay kaagad na naaresto ang suspek na nahaharap sa kasong isasampa laban sa kanya. Margie Bautista