Home ENTERTAINMENT Jodi, nagpunta sa Antartica, kinabog si Derek!

Jodi, nagpunta sa Antartica, kinabog si Derek!

Antartica- “Walang binatbat” si Derek Ramsay kay Jodi Sta. Maria!

Naunahan kasi ng aktres ang Fil-British actor na makarating sa Antarctica.

Supposedly, ito ang susunod sa bucket list ng mag-asawang Derek at Ellen Adarna.

Tulad ng alam ng marami, whenever they get the chance ay ginagalugad ng mag-asawa ang iba’t ibang panig ng mundo.

But sorry, kinabog nga sila ni Jodi.

Flinex nga ng aktres ang ilang larawang kuha sa isa sa mga kontinente sa mundo.

Balot ng niyebe ang most part nito at naglipana ang mga penguins.

Ani Jodi, hindi raw kayang i-capture ng mga larawang ‘yon kahit kalahati man lang ng kanyang naranasan, naramdaman, nakita, naamoy at marami pang iba while there.

“It’s so peaceful, so quiet, so magical!” post ni Jodi na parang too good to be true na nakarating siya doon.

Ang pagpunta raw sa Antarctica ay ang ikapitong item sa kanyang bucket list.

Inggit much kaya sina Ellen at Derek dahil naunahan sila ni Jodi? Ronnie Carrasco III

Previous article#WalangTubig sa ilang lugar sa NCR ‘gang Peb. 12
Next articleBabaeng ‘first time’ mangibang-bansa naharang ng BI