Home METRO Babaeng ‘first time’ mangibang-bansa naharang ng BI

Babaeng ‘first time’ mangibang-bansa naharang ng BI

PASAY, Philippines- Naharang ang isang overseas Filipino worker (OFW) ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) noong Enero 25 matapos nitong ideklara na “first timer” o unang beses pa lamang niyang aalis ng bansa ngunit nabuking na nakaalis na ito ng bansa noong taon 2015 at 2019.

Sa ulat kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, sinabi ng mga miyembro ng immigration protection and border enforcement section (I-Probes) na nagtangka si alyas Olive, 33, na umalis patungong Kingdom of Saudi Arabia (KSA) bilang isang OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nakita ng inspection officers na si alyas Olive ay mayroon nang naitalang pag-alis bilang isang OFW noong 2015 at 2019, sa kabila ng kanyang pagiging first time traveler.

Dahil dito, ibinahagi ni alyas Olive na noong 2014, siya ay na-recruit ng isang ahente sa Maguindanao, na binago ang kanyang taon ng kapanganakan sa 1990 upang sumunod sa 23 taong gulang na kinakailangan para sa mga household service worker (HSWs).

Inamin din nito na nagbayad siya ng P1,500 para sa kanyang bagong birth certificate, ngunit iginiit na hindi na niya naituloy ang kanyang aplikasyon at wala na siyang narinig mula sa kanyang recruiter mula noon. Inamin din nito na siya ang tunay na may-ari ng pangalan at mga detalye na ginamit bago siya.

Ang kaso ay ipinasa sa Inter-Agency Council Against trafficking na magsisimula ng imbestigasyon sa insidente. JAY Reyes

Previous articleJodi, nagpunta sa Antartica, kinabog si Derek!
Next articlePagkakaisa hirit ng AFP chief sa Davao soldiers