Home ENTERTAINMENT John, napamura sa taas ng bilihin!

John, napamura sa taas ng bilihin!

Manila, Philippines- Kung siya na nga itong malakas kumita ay paano na lang ang karaniwang mamamayan?

Ito ang ipinagpuputok ng butse ni John Arcilla sa X (dating Twitter) tungkol sa taas ng mga bilihin ngayon.

Sa katunayan, hindi napigilang mapamura ng: “Pun.. eta!” ang character actor.

Obyus na kabisado ni John ang galawan sa palengke, lalung-lalo na kung magkano ang mga nabibili doon.

These include meat, fish and veggies.

Dati raw–mga 5-6 years ago ay kakasya na ang P3-4k na weekly budget sa pamamalengke.

Of this amount, P1,500 ang nakalaan para sa isda at gulay.

Ngayon daw ay imposible nang malagkasya ang nasabing halaga.

Ani John, para sa isang linggong marketing ay umaabot siya ng P8-10 libo.

Oo nga’t di kayang pigilan ang paglobo ng presyo ng mga bilihin ay paano na lang daw ang ibang taong di hamak na mas mababa ang kinikita? Ronnie Carrasco III