ISANG taon na naman ang nagdaan at heto, magsisimula na naman tayong lahat. Magsisimulang magbuo ng mga pangarap, labanan ang mga hamon ng buhay na muling susubok sa ating katatagan at paniniwala habang patuloy ang ating “pagtanda.”
Mainam na makahalaw tayo ng mga aral sa ating mga pinagdaanan dahil ayon nga sa kasabihan, “mahirap tumanda nang walang pinagkatandaan.”
‘Maturity does not come with age but with experience and how we learn from it.’ Sa pagbabalik-tanaw, narito ang ilan sa aking mga natutunan:
Sa panahon ng kagipitan at pagsubok, lumalabas ang mga tunay na kaibigan. Iwasan nang magtiwala sa mga taong walang utang na loob at likas na walanghiya. Sa panahong bagsak ka, ididiin ka pa nila.
Ang kaibigan, dadamayan ka at sa iyo naniniwala, hindi sa bintang ng iba.
Hindi ang iyong reputasyon, bagkus, ang iyong pagkatao at kung paano ka nakisama sa kanila ang magiging sukatan kung paano ka huhusgahan ng ibang tao. “It takes one your news article to define your reputation, it is the way you live your life that will define your character.”
Lumayo sa mga taong huwad ang pakisama.
Talo ng karanasan ang may mataas na pinag-aralan. Maniwala sa sariling kakayahan. Huwag kang ‘insecure.’
“Masarap matulog” nang walang bagahe sa iyong konsensya. Iwasang mag-isip at gumawa ng kasamaan sa iyong kapwa.
Ang buhay, parang ‘boxing’. Sa tuwing babagsak ka, babangon ka.
Maniwala sa “Karma.”
Ibang klaseng “makalasing” ang kapangyarihan, nakapagpababago ng pagkatao.
Matuwa ka sa tagumpay ng iba, maliban na lang kung idinaan sa panggugulang sa kapwa. Kung ganito, mag-ingat dahil sila ay mga oportunista.
Manindigan sa kung ano ang totoo, kahit mangahulugan nang kagyat na kapahamakan. Prinsipyo ang tawag dito.
Wala nang hihigit pa sa pagmamahal ng ina sa kanyang anak.