NAGPAHAYAG ng pagkatuwa si Navotas Rep. Toby Tiangco sa magandang resulta ng mga reporma sa agrikultura dahil na rin sa suporta lalo na ng Mababang Kapulungan sa pagpapasa ng mahahalagang batas para sa sektor na ito.
Patuloy na nararamdaman ang bunga ng mga programang pang-agrikultura ni Pangulong Bongbong Marcos at masisiguro na’ng magandang takbo ng sektor at higit sa lahat, ang pag-unlad ng buhay ng mga magsasaka, ani Tiangco.
Malaki ang kanyang tiwala na magiging aktibo lalo na ang Bureau of Customs at Department of Agriculture sa maigting na pagpapatupad lalo na ng Republic Act 12022 (Anti-Agricultural Economic Sabotage Act).
Sen. Villar naka-house arrest?
Totoo kaya ang nakarating sa Good Riddance na pinayuhan mismo ng kanyang pamilya etong si Senator Cynthia Villar na huwag na munang maglalabas ng bahay simula ngayong buwan ng bagong taon?
Lumalabas tila ang isa sa mga naging dahilan ay nang maging trending sa social media ang kanyang mga kontrobersyal na video lalo na nitong last quarter ng 2024.
Ayon pa sa ating reliable source, hindi rin muna pinapayagan ang senadora ng kanyang mga anak na tumanggap ng mga imbitasyon para magbigay ng talumpati o mensahe lalo na kung kung ang event ay magaganap sa Las Piñas City.
Sinabi pa ng source na pwede lang tumanggap ng bisita ang senadora sa kanilang tahanan sa BF Resort Subdivision sa Las Piñas.
Paliwanag pa nito, papayagan lamang lumabas o tumanggap ng mga speaking engagement si Villar kapag nagsimula ang kampanya sa local campaign sa Marso para sa midterm elections sa Mayo.
Giit pa ng source, tatlong buwan o hanggang Marso sa bahay lang ang senadora pero malamang ay hindi raw sundin nito ang kahilingan ng mga anak na manatili sa bahay ng mahabang panahon.
Malaki daw ang naging epekto sa kandidatura ni Las Piñas Rep. Camille Villar-Genuino na tumatakbo bilang senadora sa Mayo matapos batikusin ng netizens ang pamilya Villar sa social media dahil sa mga kontrobersyal na pahayag ng kanyang ina.
Lumalabas nasa pang-12 na lang si Villar-Genuino sa huling survey ng Pulse Asia.