Home ENTERTAINMENT John, sinabihang ‘tumandang walang pinagkatandaan’!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES John, sinabihang ‘tumandang walang pinagkatandaan’!November 6, 2024 15:541680 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- “Tumandang walang pinagkatandaan!”Isa lang ito sa ilang nag-comment patungkol sa video na in-upload ng user name na Kenken Quiñonez sa Facebook.Makikita sa video na papasok sa isang bar si John Estrada na may kasamang foreigner na babae.Both of them were clad in all-white.Sa isang bahagi ng video, kapwa sila makikitang nag-uusap sa bar at nagtatawanan.Hinihinalang ang foreigner na babaeng ‘yon ang bagong nobya ng aktor.Going through the comment section ay wala ni isang positibong reaksyon ang inani ng video.So far, naka-3.1 milion views ang video na ‘yon.Bukod sa komentong walang pinagkatandaan si John ay makakarma pa raw ito.‘Yun din kasi ang paratang ng estranged wife niyang si Priscilla Mereilles.Pakatandaan din daw ni John na baka ang buwelta nito’y mag-boomerang sa kanyang mga anak na babae.Matatandaang nagkaroon sila ng isyu ni Priscilla.John claimed na ang kanilang paghihiwalay ay mutual decision.Pinasinungalingan naman ito ng dating Miss Brazil.Matatandaang biglang lumipad si Priscilla sa Brazil reportedly para ipa-annul ang kanilang kasal.llang linggo matapos ‘yon ay maayos na uli sila ni John. Ronnie Carrasco III