Home ENTERTAINMENT Jojo, dumulog sa kapulisan, inireklamo si Mark!

Jojo, dumulog sa kapulisan, inireklamo si Mark!

Manila, Philippines- Lumalaon ay pa-cheap nang pa-cheap sa dilang katsipan ang mga lumalabas na publisidad ni Jojo Mendrez.

Okey na sana ‘yung pinag-usapan ang umano’y kaugnayan nila ni Mark Herras.

Okey pa rin na sumulpot na parang third wheel sa kanilang umano’y relasyon si Rainier Castillo.

Pero sana’y doon na rin nagtapos.

Nagkaroon pa kasi ng subplot.

Nanganak na nang nanganak ang kuwentong tila walang katapusan, worse, walang patutunguhan!

May anggulong inireport daw ni Jojo si Mark sa Kamuning Police Station.

May legal action din daw si Jojo laban kay Mark.

What do Jojo et al hope to achieve from all this tacky tale?

Bakit hindi na lang magpokus si Jojo sa mga kanta niya, dahil ‘yun naman ang mas mahalaga kesa sa mga katsipang kinasasangkutan niya?

Ito ba ang paraan niya to stay controversial?

Has Jojo ever made an attempt to consult people in the know para makakuha ng advice na pakikinabangan niya?

Tanggap na ng publiko kung anuman ang sexual orientation niya, immaterial na ‘yon lalo’t kung magaling naman siya.

But since he’s starting all over again, Jojo needs to put his best foot forward.

Enough of katsipan…nakakasuka na! Ronnie Carrasco III