Manila, Philippines – Naging extra memorable para sa dating Sex Bomb Dancers member na si Jopay Paguia ang reunion concert ng grupo nitong February.
Sino nga ba naman ang mag-aakalang pagkatapos siyang gawing parang trumpo sa stage na mala-Linda Carter as Wonder Woman ay bigla siyang luluhuran ng asawa niyang si Joshua Zamora with matching singsing and two daughters in tow?
Sey ni Joshua, himself also a dancer: “Our super mom! My babas, will you marry me?”
A stsrtled Jopay instantly replied: “Yes!”
Ang sumunod na eksena’y nagyakapan ang couple after Jopay slid the ring into her finger.
In-introduce din ni Jopay ang kanilang two lovely kids.
Bukod sa touched ang ex-SBD member, aminado siya na kinilabutan siya sa gimik ni Joshua.
Jopay couldn’t help but get emotional, with matching “panunumbat.”
Sey niya: “Sabi mo, sasayaw ka lang? Lagi na lang siyang ganyan!
“Pero maraming salamat, babas!”
Ipinagmalaki niya ang asawa who stood by her sa gitna ng pinagdaanan niya: “Lagi siyang nandiyan, nakasuporta pati sa aming dalawang anak!”
June 2014 nang ikasal sina Jopay at Joshua who are blessed with kids Isabelle Alessa and Izabella Ariana.
Kamakailan sumailalim si Jopay sa knee injury dahil sa isang freak accident. Ronnie Carrasco III