MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang iba’t ibang weather system sa bansa.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms ang Metro Manila, Central Luzon, Mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, Ifugao, Pangasinan, La Union, Laguna, Rizal, at Quezon dahil sa shear line.
Magdadala naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains ang Northeast Monsoon o Amihan sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Samantala, easterlies naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa kaparehong weather system. RNT/JGC