MANILA, Philippines – Nabulabog ang mga estudyante ng ng Jose Abad Santos High School nang makatanggap ng ‘bomb threat’ ang isang estudyante mula sa isang group chat.
Sa imbestigasyon ng District Explosive and Canine Unit ng Manila Police District, napansin ng estudyanteng si alyas Glenmore ang mensahe sa kanilang group chat (rover circle 14 fb group chat) mula sa Facebook Acount ng isang John Ballon na isang JASHS Alumni na ipinadala alas-10:55 ng umaga.
Sa nasabing mensahe, nakasaad ang katagang:
“May bomb threat sa Abad coordinate nyo sa principal Kong Hindi pa naiinform ang school para makaalis lahat Ng mga Bata sa school” na sinundan ng larawan na ipinadala sa school alumni na si alyas Jan na nagpadala ng screenshot message mula naman sa isang Loiuse Florence facebook Account.
Dito ipinakita ang larawan ng bomba na nagsasabing:
“I planted a bomb inside Jose Abad santos building. I am not joking, there are 5 bombs now, one hidden inside of five different buildings. Timer’s set detonation in just fee minutes.”
Nang mabasa ito ay agad niyang ipinaalam kay Mr. Alex Mateo-Grade 7 teacher na siya namang nagpasaklolo sa San Nicolas Binondo PCP.
Sa isinagawang bomb swift at paneling kasama ang K-9 personnel sa bisinidad ng paaralan, nalaman na walang bombang natagpuan.
Nagsasagawa na ng imbestiagsyon ang pulisya sa posibleng pagkakilanlan at para maaresto ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden