Home ENTERTAINMENT KimPau, umayuda sa Cebu, pinuri!

KimPau, umayuda sa Cebu, pinuri!

270
0

Manila, Philippines – Nakakatuwa naman ang magka-loveteam na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Maawain at generous kasi sila,huh!

Nag-donate sila ng tig-1 million pesos sa mga naapektuhan ng earthquake sa Cebu City.

Bukod dito, nauna nang nagbigay si Kim ng construction materials.

Hangga’t maaari ay ayaw nila ‘yun ipamalita. Baka kasi isipin ng iba, na tumutulong sila pero ipinagyayabang naman.

Kaya lang, hindi maiiwasan na malaman ang ginawa nilang pagtulong.

Syempe,proud ang KimPau faney.

Sabi nga ng isa, “you are both blessed KimPau. I salute you both for being generous.”

At ang sabi naman ng isa pa, “good job KimPau, mabait talaga kayo, pagpalain kayo ng Maykapal.” Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here