Home ENTERTAINMENT Fans, may mixed reax sa Daniel-Kaila loveteam!

Fans, may mixed reax sa Daniel-Kaila loveteam!

279
0

Manila, Philippines – Sa isang panayam, natanong si Daniel Padilla tungkol sa kanyang bagong lovelife.

Nali-link kasi siya kay Kaila Estrada na nakasama niya sa seryeng “Incognito.”

Naispluk din noon ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na diumano’y magdyowa na ang dalawa.

Wala pa namang inaamin o idinidenay tungkol dito si DJ.

Sa interbyu kay DJ, obvious na gusto niyang protektahan ang bago niyang inspirasyon kaya naman mas preferred niya na maging pribado ang kanyang buhay pag-ibig.

Sey niya: “Ayoko siyang maging showbiz, I mean hindi maiiwasan but may choice pa rin ako. Just let it be.

“‘Wag niyo na muna kaming kulitin.”

Ito naman ang naging reaksyon ng kibitzers sa nasabing panayam.

“Tama naman siya eh. Lalo pa yan may mga fans pa rin na iba ang shin-ship. Makukuyog lang si Kaila if magsabi sila ng status ng relationship nila.”

“Pabayaan na kasi sila.”

“Love that for them! Sa totoo lang ngayon pa lang ang dami na ring shippers nina Kaila-Daniel. Isa rin toxic sa showbiz yung shippers na akala mo eh pag-aari ka nila kung maka demand. Mas ok na yan walang post sa social media, walang pag amin para walang pressure from the fans.”

“True, mas genuine. Gulatin nalang sana tayo na kasalan na. HAHA. Nakabuti din na parang very mature na silang dalawa nung nagkakilala. Masabi natin na hindi na to dala lang ng pressure sa showbizness.”

“Okay na din to wag muna sila umamin. Gusto ko kung ano meron si Kaila ngayon, sunod sunod ang projects.”

“HOpefully, magtuloy tuloy at may character development talaga sana. Kaila is a catch, sa totoo lang.”

“Very classy, glad na nagkakilala sila na mature na si DJ.”

“Feeling ko niregret nya talaga maging public ung relationship nila ni Kath lol. Kaya nagprivate na siguro.”

“Both of them are glowing. For some reasons, seems like DJ is more free-spirited than before.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here