Home NATIONWIDE Mandatory use of face mask ipinatupad sa SJDM

Mandatory use of face mask ipinatupad sa SJDM

365
0

San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan – Ipinag-utos ng pamahalaang lungsod ang mandatory use of face mask upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng influenza-like illness gaya ng ubo, sipon at lagnat.

Sa health advisory ng SJDM Public Information Office nitong Oktubre 20, ang sapilitang pagsusuot ng facemask sa mga sumusunod na lugar:

Sa indoor settings gaya ng opisina, establisimento, paaralan at pampublikong paaralan habang sa outdoor areas naman ay mall, simbahan at iba pang event area na hindi nasusunod ang physical distancing.

Nabatid na layunin ng hakbang na ito na mapigilan ang pagkalat ng nasabing mga sakit at mapanatiling ligtas ang publiko.

Payo ng tanggapan na sakaling may nararamdamang sintomas ay komunsulta sa pinakamalapit na health center at manatili muna sa bahay. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here