Home ENTERTAINMENT Jose at dating EB Babes, engaged na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jose at dating EB Babes, engaged na!December 9, 2024 10:31 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Petsa na lang ng kasal at magiging isang ganap nang Mrs. Mergene Maranan-Manalo ang dating EB Babes member.Nag-propose na kasi ang Eat Bulaga host na si Jose Manalo.Sa video na in-upload ng isang Tiktoker, naganap ang proposal sa lobby ng isang establishment.Accompanied by guitar and saxophone, kinanta ni Jose ang awitin ni Yeng Constantino na Ikaw.While singing, ang kaliwang kamay ni Jose ay nakasuksok sa bulsa ng kanyang asul na shorts.Mahaba-haba rin ang nilakad ng TV host-comedian kung saan naroon ang nagulat at ‘di makapaniwalang si Mergene.Nang makarating sa kinaroroonan ng nobya ay malakas ang tilian sa paligid.Maya-maya pa’y lumuhod na si Jose sa nahihiya-hiya pang nobya, sabay tanong kung: “Puwede ba kitang pakasalan?”Nag-yes naman ang nobya na lalong ikinalakas ng tilian sa paligid.Maya-maya pa’y isinuot na ni Jose sa daliri ni Mergene ang singsing, sabay pagdeklarang mahal na mahal niya ito.Inabutan din niya ito ng pumpon ng mga bulaklak.Hindi lantad ang relasyon ni Jose, 58 at Mergene, 37.Pero tinatayang sa pagitan ng 2006 at 2020 nagsimula ang kanilang relasyon.Matagal nang hiwalay si Jose sa kanyang karelasyon na si Anna Lyn Santos.May lima silang anak.Pumanaw si Anna Lyn noong 2022.Mula sa Remate Online, congratulations, Jose at Mergene!Kelan ang kasal? Lol! Ronnie Carrasco III