Home ENTERTAINMENT Josh Cullen ng SB19, nag-debut sa Global Spin Live ng GRAMMYs!

Josh Cullen ng SB19, nag-debut sa Global Spin Live ng GRAMMYs!

136
0

UNITED STATES – Unforgettable ang nagging debut ng SB19 member na si Josh Cullen sa Global Spin Live ng GRAMMYs.

Ang Global Spin Live ay ang digital series ng Recording Academy na nagtatampok ng mga artists sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Nagtanghal ang P-Pop King and SB19 member na si Josh ng kanyang hip-hop single na “Yoko Na” featuring Al James. Ang naturang awitin ay inilabas noong Marso.

Lumitaw sa naturang performance ang emotional pero energetic na awitin kasama ang full band at visual projections.

Matatandaan na itinampok din sa Global Spin Live noong 2022 ang SB19 member na si FELIP dala-dala ang kanyang solo song na “Bulan.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here