Manila, Philippines- Ayon sa ulat ng Star Cinema, umabot na sa 320 milyong piso ang kinita ng pelikulang “Un/happy for You” as of date.
Ang nasabing pelikula na nasa ikalawang linggo na ang showing ang balik-tambalan ng mag-ex na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Inaasahan namang madadagdagan pa ang kita ng nabanggit na pelikula lalo pa’t kasado na ang international screenings ng naturang ‘hugot’ movie.
Hirit naman ng kibitzers, kinabog na raw ng JoshLia ang KathDen dahil naungusan na nito ang record na naitala ng dalawa last year.
Ayon pa sa insiders, ito rin ang kauna-unahang pelikulang Pinoy na kumita ngayong taon considering its nationwide release.
Matatandaang noong nakaraang taon, parehong na-breach nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang P100 milyon mark sa takilya.
Kumita ng P100 milyon ang solo movie ni Kathryn na “A Very Good Girl” samantalang ang “Five Breakups and A Romance ” na first team up nina Alden at Julia Montes ay umabot din sa ganoong marka.
Kaya naman, hindi kataka-taka na tanghaling box office king and queen ang dalawa last year.
Sa naitalang record ni JoshLia, abangers naman ang netizens kung masu-surpass ito ng KimPau sa first movie nilang “My Love Will Make You Disappear” na ang playdate ay sa Oktubre na.
Marami na rin ang curious kung mahihigitan ng sequel na “Hello, Love Again” ng KathDen ang record na naitala ng kanilang phenomenal hit na “Hello, Love, Goodbye” na pangalawa sa highest grossing Pinoy film of all time come November. Archie Liao