Manila, Philippines – Kusang lumantad at matapang na nagpahayag ng saloobin sa social media ang partner ni Jojo Nones for 2 decades nang mahigit na si Ryan Benitez.
Sa report ng Pep.ph ay nagpost na ito sa kanyang social media accounts na dine-activate niya dati at isiniwalat na hindi perpektong tao si Nones pero sa kabila nito sey, ni Ryan ay: “I’m certain that people who truly know Jojo have experienced the love and light and his heart.”
Nakiusap siya sa publiko na hayaang ang korte ang magdesisyon dahil may mga kaanak at kaibigan din sina Jojo at Richard Cruz na nasasaktan sa mga malalaswa at mapanghusgang banat ng netizens sa dalawa.
Kasalukuyang nakapiit si Nones sa Senate Detention Center sa may basement matapos siyang ipa-contempt ni Sen. Jinggoy Estrada.
On the surface ay mukhang kahit ano’ng sabihin ng mga akusado o ng mga pamilya’t kaibigan nila ay mahirap nang mabago ang public opinion.
Pero mapapatanong ka kung beneficial ba talaga kay Sandro Muhlach ang senate hearing?
May YouTube channels kasi na halatang imbento ang titles gaya ng pagputol daw ng pututoy ni Sandro dahil nilaspag daw ng dalawa nang magdamagan.
‘Yan ba ang mas nakakaasiwa o yung pagpilit ni Jinggoy kay Sandro na ilahad ang nangyari diumano sa kanya sa harap ng lahat?
Speaking of Jinggoy, may permiso kaya sila mula sa akusado na ipakalat ang picture nito sa socmed na naka-shorts habang nasa detention center?
Sa huli, katotohanan pa rin ang magwawagi kahit anong parlor tricks ang gawin sa isang media circus. Trixie Dauz