Home NATIONWIDE Kumakalat na karahasan sa Bulacan, fake news

Kumakalat na karahasan sa Bulacan, fake news

175
0

Bulacan – Mariing pinabulaanan ng pulisya ang nagviral na balitang pagdukot, panghoholdap at pananaksak sa mga estudyante partikular sa lungsod ng Malolos.

Ito ang ipinahayag ng Bulacan Police Provincial Office BPPO na kasalukuyang pinamumunuan ni PCOL. Satur L. Ediong nitong umaga ng Sabado, Agosto 24.

Ayon sa BPPO, walang katotohanan ang kumakalat kamakaian na malisyosong balita sa social media na pananaksak, panghoholdap at pagdukot sa mga estudyante ng Bulacan State University at ilang mga residente ng lungsod.

Wala umanong batayan at likha lamang ng mga indibiduwal o grupo na naglalayong magdulot ng takot sa publiko, mga magulang at mag-aaral sa lalawigan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng BPPO, walang ganitong insidente sa mga istasyon ng pulsya at mga barangay na nasasakupan ng Malolos.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa ilang indibiduwal o grupong nasa likod ng mapanlilnlang at mapanirang impormasyon.

Hinikayat nila ang publiko na maging mapanuri, huwag agad maniwala sa mga kumakalat sa social media at mahalaga ang pagiging responsable sa pagpapakalat ng impormasyon.

Sa kabila nito, nanatiling mapayapa ang lalawigan partikular ang lungsod Malolos at asahan ang pagbabantay ng pulisya katuwang ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Daniel Fernando para sa kapayapaan ng lalawigan, anang koronel. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here