Manila, Philippines – Sa guesting ni John Estrada sa show ni Korina Sanchez na Rated Korina, natanong siya ng beteranang mamamahayag tungkol sa pagiging malapit niya sa mga babae at kung bakit kahit na may edad na ito ay marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya.
“Honestly Ms. K, hindi ko rin alam. I don’t consider myself habulin,” sabi ni John.
Ngunit tila hindi convinced si Korina sa sagot ng aktor.
“Totoo ba ‘yan?” sundot pa ni Korina sa sagot ni John.
“Hindi talaga, alam ko lang, medyo friendly ako…” sey pa ng aktor.
Hindi naman lingid sa kaalam ng madla na marami na ring pinagdaanang pagsubok si John sa kanyang mga naging karelasyon mula sa una nitong asawa na si Janice de Belen.
Noong nasa ere pa ang noontime program na “MTB” ay na-link si John sa kanyang co-host na si Vanessa del Bianco, na naging dahilan para maghiwalay sila ni Janice.
Matapos ang ilang taon ay muling ikinasal si John sa beauty queen na si Priscilla Meirelles.
Ngunit kamakailan lang ay inamin nila sa publiko na nagdesisyon na silang maghiwalay.
Ito ay kasunod nang pagsagot ni Priscilla sa comment sa Instagram post ni John kung saan tinatanong siya ng mga ito kung sino ang kasama niya sa Boracay.
Matapang namang pinangalanan ni Priscilla ang babae na siyang naging dahilan para pag-usapan kung ano na ang lagay ng kanilang relasyon.
Kalaunan ay sinabi ni John sa kanyang Instagram na mutual ang desisyon nilang maghiwalay ngunit sinopla ito ni Priscilla at sinabing hindi totoo na mutual ang kanilang desisyon. Rommel Placente