Manila, Philippines – Kagyat na nagpost ng reaksyon si Sandro Muhlach sa kanyang social media account makaraang isapubliko ng National Bureau of Investigation o NBI ang mga CCTV footage kuha noong madaling araw ng July 21 kaugnay ng kasong sexual abuse na isinampa niya laban kina Jojo Nones at Richard Cruz ng GMA.
Maliwanag ang eksaktong oras ng pag-alis ni Sandro sa tinutuluyan niyang hotel patungo sa katapat na hotel kung saan naka-check in ang dalawang inakusahan niya.
Nahagip din ng CCTV ang pagbalik ni Sandro sa kanyang hotel pasado alas sais na ng umaga.
Partikular na ipinunto ng agent on case ng NBI ang “behavioral analysis” na ginawa nila.
Ikinumpara kasi ang mga kilos ni Sandro bago at matapos ang umano’y insidente ng pambababoy sa kanya.
Ayon sa NBI agent, normal si Sandro nang umalis sa kanyang hotel as opposed to his desposition nang manggaling na kina Nones at Cruz na “balisa, anxiious at distressed.”
Malinaw raw na traumatic para kay Sandro ang nangyari sa kanya, na consistent lang sa kanyang unang salaysay.
Recalling his ordeal upon seeing the CCTV footage, Sandro posted: “Habambuhay kong dadalhin ito.
“Dalawa kayo, mag-isa lang ako!”
Matatandaang nabanggit ni Sandro na duming-dumi ang pakiramdam niya sa kanyang sarili.
Inabot din daw nang sampung araw bago siya nagkaroon ng lakas ng loob para magsumbong sa kanyang mga magulang.
Sandro ended his August 23 post by saying: “I’ll never be the same again!” Ronnie Carrasco III