Home ENTERTAINMENT Vivamax, interesado kay Chloe!

Vivamax, interesado kay Chloe!

Manila, Philippines – Totally different ang mga pelikulang prodyus ng Viva Entertainment at Vivamax.

Kung wholesome ang una, exact opposite ang Vivamax whose stars shed off their inhibitions as far as going fierce and daring is concerned.

Dahil mga nagpapa-sexy ang mga artistang lumalabas sa Vivamax, how true na interesado itong kunin si Chloe San Jose na nobya ni Carlos Yulo?

Balitang Chloe is being eyed to star in a Vivamax movie.

Plano raw siyang ipartner kay Mark Anthony Fernandez.

So, nakatulong pa pala kay Mark ang napabalitang sex video niya?

With Vivamax taking interest in Chloe, how will she be packaged–sexy star?

Pero ang tanong–interesado ba si Chloe na pumasok sa showbiz, at sa pamamagitan pa ng pagpapaseksi?

If ever din ba’y pahihintulutan siya ni Carlos?

May pagka-cynical ang marami kung totoo nga ang tsikang magso-showbiz si Chloe via taking the sexy route.

Katwiran ng mga skeptics, ang pagiging popular ni Chloe ay ngayon lang because of her boyfriend’s Olympic performance/achievement.

If ever, masu-sustain ba ni Chloe ang public interest sa kanya hanggang maipalabas ang kanyang first Vivamax movie?

Hindi ba’t ayon na rin kay Carlos ay may source of income ang kanyang nobya?

Kung stable at good-paying naman yon, why would she want to enter showbiz?

Posible pa raw maging mitsa ng paghihiwalay nila ni Carlos ang gagawin niyang pagpapaseksi kung sakali.

May point. Ronnie Carrasco IIi