Home ENTERTAINMENT Deborah, may colon cancer, kalmado!

Deborah, may colon cancer, kalmado!

Manila, Philippines – Maaliwalas pa rin ang disposisyon ni Deborah Sun sa kabila ng diagnosis sa kanya.

Lumabas kasi sa findings na meron siyang Stage 2 cancer of the colon.

Sa kabila nito’y nagpapasalamat pa rin siya sa Panginoon.

Pag-amin ni Deborah sa vlog interview ni Julius Babao, kahit paano’y ipinag-adya pa rin daw siya.

Hiniling niya kasi na sana’y benign lang ang tumubong cancer sa kanya, o ‘di naman kaya’y Stage 1 o 2 lang.

Hiniling din niya na huwag na siyang pahirapan sa pagpapa-chemotherapy lalo’t aminado siyang kapos sa pera.

Awa raw ng Diyos ay sumasallalim lang siya sa oral chemo.

Napagtanto ng aktres: “Nu’ng malaman kong may cancer ako, natakot ako!”

Una raw niyang inisip ay ang mga anak niya.

“Siyempre, mahirap magkasakit na wala kang pera!” pag-amin ni Gigi (palayaw niya).

Para higit na kumapit siya sa Itaas, pinagkalooban si Deborah ng figurine ni St. Ezequiel Moreno, ang patron ng mga cancer patients.

Bilang tulong din ay inabutan siya ni Julius ng P30k.

Laking tulong din daw kay Deborah ang pagkakaroon ng regular exposure sa Batang Quiapo.

Bago pa man nalaman ni Deborah ang tungkol sa kanyang sakit, years ago ay na-diagnose siya na may liver cirrhosis.

Dahil sa kanyang abang pamumuhay, may llang kapwa artista rin ang hindi nagdadamot ng kanilang tulong sa kanya.

Ang mga ito’y sina Aiko Melendez na kapatid ng anak niyang si Jam sa amang si Jimi Melendez, Ara Mina na pinatitira siya nang libre sa bahay nito at iba pa. Ronnie Carrasco IiI