MANILA, Philippines – Makakaapekto ngayong Linggo, Agosto 25 ang southwest monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon sa PAGASA, ang MIMAROPA, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng isolated rainshowers o thunderstorms dulot ng Localized Thunderstorms. RNT/JGC