Iprinoklama na sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Guian Sotto nitong Martes para sa kanilang ikatlo at huli nilang termino kasunod ng May 2025 midterm elections. Danny Querubin
MANILA, Philippines- Wagi si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa reelection, matapos lumabas nitong Martes ang malaki niyang lamang sa boto sa kanyang mga karibal sa mayoral race.
Nakuha ni Belmonte ang 95 porsyento ng mga boto sa “most populous” city sa Metro Manila, batay sa bilang ng Commission on Elections hanggang nitong madaling araw. RNT/SA