Home METRO Digong nangunguna sa Davao City mayoralty race

Digong nangunguna sa Davao City mayoralty race

MANILA, Philippines- Tila mapananatili ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong dekadang pamumuno ng kanyang pamilya sa Davao City matapos maungusan si Karlo Nograles at tatlo pang katunggali sa mayoralty race ng lungsod.

Kasalukuyang nakaditine si Duterte, 80, sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands upang humarap sa kasong crimes against humanity dahil sa kanyang war on drugs. Hinihintay niya ang paglilitis na itinakda ng korte sa Setyembre.

Nakakuha ang dating Pangulo ng 662,630 boto, sinundan ni Nograles sa 80,852, base sa city canvass report.

Nauna nang inihayag ni Nograles na tumakbo siya sa pagka-alkalde dahil “we needed to give Davao City a choice, a chance or an opportunity to change the way we provide services.”

Inihayag naman ng Duterte patriarch na bukas siya sa pagkakaroon ng katunggali sa mayoral race.

Sa kabila ng pagkapanalo ni Duterte, hindi pa rin malinaw kung paano niya gagampanan ang kanyang tungkulin habang nakaditine siya sa kabilang panig ng mundo. RNT/SA