Manila, Philippines – Kilalang celebrity chef si Judy Ann Santos.
Bukod dito, she and husband Ryan Agoncillo run a resto.
Dahil dito, wala na sigurong mas may authority sa “kitchen budget” kundi ang multi-awarded actress.
Naitanong kasi sa kanya ang kanyang take on the P500 Noche Buena mula sa pananaw ni DTI Secretary Cristine Aldeguer-Roque.
Bago ang lahat, Juday says it’s important to assess our current situation–malaking isyu ang tungkol sa bilyun-bilyong perang nawawala dahil sa korapsyon.
Tapos, seseguè nga naman sa limang daang piso!
Lumalabas na hindi sensitibo ang pamahalaan sa mga karaingan ng ating mga kababayan.
As to the P500 Noche Buena issue, ayon kay Juday ay dapat klaro ang parameters on how the holiday budget is based.
In the first place, ang mahalaga naman daw sa ating mga Pilipino sa tuwing sasapit ito’y ang magkabuklud-buklod ang pamilya, regardless of what and how many food is laid on the table.
Mas maganda daw aniya kung naging specific si Roque.
Aminado ang aktres na ang pahayag ng Kalihim ay nakakapanakit, offensive at degrading.
Sana man lang daw kung kulang sa apat na miyembro ng pamilya ang magsasalu-salo.
“Kung dalawa lang, baka nga hindi pa kasya given the times now.
“Napaka-insensitive lang. Unang-una, hindi naman paramihan ng putahe ang usapan,” ani Juday.
Pansit at fried chicken para pagsaluhan ay okey na daw sa tradisyonal na pamilyang Pinoy.
Dagdag niya: “Siguro, kung ang sinabi, eh, P500 bawat miyembro and you’re five in the family… P2,500 ‘yon. Kasya ‘yon!”
Sa kabila ng mga batikos, iginigiit pa rin ni Roque na sa halagang P500 ay meron ka nang ham, macaroni salad at spaghetti. Ronnie Carrasco III