Home ENTERTAINMENT Kim, sandamakmak ang negosyo; Lakam, pumalag!

Kim, sandamakmak ang negosyo; Lakam, pumalag!

311
0

Manila, Philippines – Mismong mga fans na ni Kim Chiu ang nagsaliksik ng mga negosyo ng TV host-actress na hindi alam ng publiko.

Lumabas nga ito dahil sa isyu nila ng kanyang Ate Lakam.

Nito ngang December 2, sinampahan na ni Kim ng kasong qualified theft si Lakam sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Kim was accompanied by her other sister Twinkle.

Maraming bersyon kung magkanong halaga ang involved as far as Kim’s investment money is concerned.

May mga nagsasabing P70 million daw, merong aabot as high as P100 and up to P200M.

Ilan naman sa mga natuklasan ng fans na negosyo ni Kim include branches of Julie’s Bakeshop, Potato Corner and Chowking.

Meron din daw bridal shop ang Kapamilya actress, a commercial building in Cagayan de Oro, real estate at ‘yung House of Little Bunny which sells bags.

Sa naturang demanda naman, ang claim umano ng legal counsel ni Kim–si Atty. Jesus Falcis–“dinale” daw ni Lakam ang pera sa vault.

Naibenta din daw ni Lakam ang isang condo unit ni Kim nang walang permiso mula sa kapatid–bagay na pinalagan ni Lakam bilang sagot sa demanda. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here