Manila, Philippines – Even with her stature now ay meron pa ring dream movie si Judy Ann Santos.
Her idea though is to cast four specific actors kabilang siya.
Choice ni Juday sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre: “Pagsasabayin ko na sila para hindi ako ma-bash! Alam n’yo naman ang mga tao ngayon.”
Siyempre, hindi nga naman magiging kumpletos rekados kung walang mga artistang lalaki.
If ever, bet niya ring isama sina Joshua Garcia at Alden Richards.
“Sana may producer na willing sumugal. Pero maganda kung kaming lima will star in a movie,” dalangin ng aktres.
Dahil obyus namang siya ang pinakamatanda of them all, puwedeng ate sa limang ‘yon ang role na itoka sa kanya.
Wala man sa dream cast ay hanga naman si Juday kay Charlie Dizon.
Napanood daw niya minsan ang aktres at nagalingan siya rito: “Magabayan lang siya with the right projects, sabi ko malayo ang mararating ng batang ito!”
When not at work, pinaninindigan ni Juday ang pagiging domesticated to her family members.
As early as 5am ay gising na raw siya at naghahanda na ng ibabaon ng kanyang mga anak papasok ng eskuwela.
Maging ang baon daw ng mister na si Ryan Agoncillo in his daily grind on E.A.T. ay preparado na rin.
Dahil nanumbalik ang dating makurbang katawan ng aktres, biniro siya na baka masundan ang bunsong anak nila na si Luna.
While okey na raw sila ni Ryan with having Yohan, Lucio and Luna, kung mabibiyayaan daw sila ng isa pang anak ay bakit naman hindi?
So, dalawa na ang tinatawagan ng pansin ni Juday: willing film producer for her dream movie at ang kanyang asawa for another child! Ronnie Carrasco III