Home ENTERTAINMENT Kim, nagpaka-daring sa love scenes!

Kim, nagpaka-daring sa love scenes!

Manila, Philippines – Sa seryeng Linlang mula sa Dreamscape Entertainment ay si Kim Chiu ang pangunahing bidang babae. Gumaganap siya bilang si Juliana Lualhati, na isang taksil na asawa, at si Paulo Avelino naman sa papel na kanyang mister.

Kakaibang Kim ang mapapanood sa bago niyang serye dahil matured na ang kanyang role at daring siya rito.

In fact, may lovescenes sila ni Paulo bilang sila nga ay mag-asawa.

Sa tanong kay Kim sa kung ano’ng kinakatakutan niya sa magiging outcome ng kanilang serye dahil first time siyang naging daring at bida-kontrabida pa sa serye na baka hindi matanggap ng kanyang mga tagahanga, ang sagot niya, “Sa ngayon, ang kinakatakot ko is baka hindi siya (Linlang) suportahan ng mga tao. Wala namang may gusto na gagawa ka ng isang proyekto, ibibigay mo ang lahat mo, tapos hindi siya susuportahan.

“Kaya Ipinagdarasal ko talaga na sana po ay suportahan ‘yung ginawa naming obra na pinagtulong-tulungan talaga namin. Ibinigay namin talaga ang lahat, wala na nga kaming itinira,” natatawang sabi pa ni Kim.

“Pero ‘yan ‘yung ipinagdarasal talaga namin. I’ll pray for the success of Linlang cause we all did our part as an actor, and from the directors, to the writers to the creartives and camera men.”

Masasabi ni Kim na hindi madali para sa kanya ang role niya sa Linlang.

“Lahat po ng ito ay mahirap po para sa akin dahil una, kinokontra ko pa ‘yung role ko rito. Kalaban ko ‘yung sarili kong dignidad sa ipinaglaban ng karakter ko. So, kalaban ko ‘yung sarili ko.

“Parang siyempre, kailangan kong maniwala sa ginagawa ni Juliana. Si Kim Chiu kailangan niyang maniwala kay Juliana kung bakit siya naging ganoon.

“Parang opposite beliefs kami. Pero at the end of the day, I’m an actor, and then kailangan ko ‘tong gampanan, at kailangang maniwala ‘yung mga tao sa pinapanood nila.

“Sana maisip nila na si Kim Chiu at Juliana ay magkaiba.

“Dahil minsan kasi, sa mundo natin, mahirap nang ilayo ‘yung ikaw, at ‘yung role na ginagawa mo.

“So, minsan, nakakalimutan ng mga fans namin, o ng mga tao, na aktor and aktres kami. Isa sa mga trabaho namin, mag-deliver ng ibang pagkatao.” Rommel Placente