Home LAGAY NG PANAHON Signal No. 3 nakataas pa rin sa Batanes sa bagyong Jenny

Signal No. 3 nakataas pa rin sa Batanes sa bagyong Jenny

MANILA, Philippines – Nananatili ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa hilagang bahagi ng Batanes, partikular na ang munisipalidad ng Itbayat dahil sa bagyong Jenny.

Ito ay ayon sa huling ulat ng PAGASA nitong Miyerkules ng umaga, Oktubre 4, habang napanatili ng bagyo ang lakas ng hangin na taglay nito.

Sa 11 a.m. bulletin, namataan ang sentro ng bagyo 210 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat.

Taglay nito ang lakas ng hangin na mula 150 kilometro kada oras at pagbugso na aabot ng 185 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras at papalapit na sa Southern Taiwan.

Maliban sa babala ng bagyo sa Itbayat, Batanes, nakataas din ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa nalalabing bahagi ng Batanes at hilagang bahagi ng Babuyan Island (Babuyan Is., Calayan Is.).

Samantala, nasa ilalim ng TCWS No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

The rest of Babuyan Islands, northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Lal-Lo, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Gattaran), northern portion ng Apayao (Calanasan, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Flora), at northern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, Pasuquin, Carasi, Dumalneg, Laoag City).

Palalakasin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat at magdadala ng pabugso-bugsong ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

“The weakening trend is forecast to continue due to the increasing dry air entrainment and vertical wind shear. Land interaction during its passage over the rugged terrain of southern Taiwan will further weaken the typhoon,” ayon sa PAGASA.

“Once over the Taiwan Strait, additional cool dry air from the north will entrain into JENNY, resulting in continued weakening,” dagdag pa. RNT/JGC

Previous articleDalupiri Island, inuga ng M-6.2 na lindol
Next articleKim, nagpaka-daring sa love scenes!