Home NATIONWIDE Judicial reform: Dagdag na dibisyon sa CA, isinulong ni Bong Go

Judicial reform: Dagdag na dibisyon sa CA, isinulong ni Bong Go

114
0

Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagreporma sa hudikatura kaya itinutulak niya na maisabatas ang Senate Bill No. 1186 sa pampublikong pagdinig ng Senate committee on justice and human rights.

Layon ng panukalang batas na amyendahan ang Batas Pambansa Bilang 129, o ang Judiciary Reorganization Act, sa pamamagitan ng paglikha ng mga karagdagang dibisyon sa Court of Appeals (CA) para matugunan napakaraming caseload na nagpapabigat sa hudikatura.

Binigyang-diin ni Go na ang bawat Pilipinong nahaharap sa mga kasong ligal ay may karapatan sa mabilis na paglilitis at patas na disposisyon ng mga kaso ngunit hirap ibigay ng kasalukuyang sistema dahil sa mga backlog at delays.

“As the number of cases continues to rise, our courts are under increasing pressure to resolve disputes in a timely and fair manner. Sabi nga po nila – Justice delayed is justice denied. That is why I filed this measure to help every Filipino, when accused, the right to a speedy trial and to a speedy disposition of a case against him,” idiiin ni Go.

“Mas mainam na mapalakas pa natin ang ating mga korte upang mas mabilis nilang matugunan ang mga kaso at hinaing ng mga Pilipino. Importante po rito ang hustisya,” dagdag ng senador.
Kung magiging batas, magtatag ng tatlong bagong dibisyon sa Court of Appeals, bawat isa ay may tatlong mahistrado, upang mapagaan ang mga pressureload sa kaso at matiyak ang mabilis na resolusyon.

Sa ilalim ng panukala, ang unang 17 dibisyon ay ibabase sa Maynila para humawak ng mga kaso mula sa Third hanggang Fifth Judicial Regions, habang tatlong karagdagang dibisyon ay ilalagay sa Cebu para sa mga kaso mula sa Sixth hanggang Eighth Judicial Regions.

Ilalagay sa Cagayan de Oro ang 21st hanggang 23rd divisions na magpoproseso ng mga kaso mula sa Ninth at Tenth Judicial Regions, habang ang Vigan City naman ang magiging host ng 24th division para sa mga kaso mula sa First at Second Judicial Regions.

Panghuli, ang Davao City ay magiging tahanan para sa ika-25 at ika-26 na dibisyon na sasaklaw sa Ika-11 at Ika-12 Judicial Regions.

Sa mungkahing pagpapalawak na ito, ang bilang ng mga mahistrado ng CA ay magiging 78 mula sa 69. Higit nitong mapapahusay ang kakayahan ng hudikatura sa paggagawad ng hustisya.

Iuutos din na ang trials at hearings ay dapat tapusin sa loob ng 3 buwan, maliban kung pinalawig ng Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

“Ang pagtupad sa mandato ng hudikatura ay hindi dapat malagay sa alanganin sa rami ng mga kaso na hinahawakan nila,” ani Go.
Bukod dito, sa parehong manipestasyon ay binigyang-diin ng senador ang pangangailangan para sa SBN 1185 o ang Bureau of Immigration (BI) Modernization Act.

“Let us be reminded that these measures are necessary reforms that will address the challenges faced by these institutions. By modernizing the Bureau of Immigration and expanding the capacity of the Court of Appeals, we are reinforcing the foundation of governance and justice system in the country,” pahabol ni Go. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here