Manila, Philippines- Pinangalanan na sa social media ang bagong boyfriend at doktor ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
May naka-post sa X (dating Twitter) ng “name reveal” ng boyfriend ni Kris. Last week ay may netizen din ang nag-post sa X ng picture ni Kris sa loob ng eroplano, kasama at katabi pa niya ang kanyang “Dr. MP” pabalik ng Pilipinas.
Matatandaan sa huling post ni Kris sa Instagram pabalik ng Pilipinas ay may mahaba siyang caption.
Nagpaliwanag si Kris kung bakit kailangan niyang bumalik ng Pilipinas at pinasalamatan ang kanyang medical team especially ang kanyang “MY Dr. MP.”
Narito ang portion sa caption ni Kris kung saan makikita na may sinulat siyang “And MY Dr. MP.”
Caption ni Kris, “There are so many I wish to thank, our OC friends who became our adoptive family. They @flypal team, my 2 Fil-Am close friends Dr. Henry & Dr. Titus, and MY Dr. MP, my 3 best friends @michaelleyva, @lenalonte, and @anmebinay (kuya josh is staying with ANNE for a few more weeks), my FILAM nurses (Mike, Cara, Patricia), and my source of strength, and God’s biggest blessing, my “BIMB.” They are flying home with me. A longer gratitude post when we get home.”
Ang tinutukoy ni Kris na “MY Dr.MP” is Dr. Michael Padlan na surgeon sa Makati Medical Center.
Naka-post sa X ang mas close-up na picture ni Dr. Padlan mula sa netizen na may account name na @AltIndayBadiday.
Say ng netizen, “May name reveal na pala ang bagong karelasyon ni Kris Aquino na kasama sa pinasalamatan niya (‘MY Dr. MP’) sa kanyang post bago lumapag ng Pilipinas galing Amerika three days ago. Magaling na surgeon pala ito, si Dr. Michael Padlan sa Makati Medical Center.”
May mga nakakilala agad kay Dr. Padlan sa socmed.
“He’s my surgeon. At sobrang bait nya. I called him Dok Gwapo. Sya nag ‘summer cut’ sa bunso ko for free. Ay sobrang bait nya.”
“Akala ko si Ariel Rivera, kakanta na sana ako ng Sana ngayong Pasko.”
Pinuna naman mg ibang netizens ang pagiging active ng lovelife nta sa kabila ng kanyang health condition.
“Haba talaga ng hair ni madam Kris. I hope this guy treats her good.”
“Di na nawalan ng lablyf ang Ate mo. Kahit nasa hospital bed. Char but not char.”
“Iba din si Kris lumalaban na sa life palaban pa din ang lablife sana all”