Home ENTERTAINMENT Juday, gaganap bilang si Nora Aunor!

Juday, gaganap bilang si Nora Aunor!

2
0

Manila, Philippines – Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee ang tungkol sa upcoming passion project na gagawin niya.

Ito ay isang biopic at tribute sa namayapang director at kapwa National Artist na si Ishmael Bernal.

Tatalakay ang biopic tungkol sa buhay at sining ni Ishma at ng mga importanteng taong tumatak sa karera ng respetadong filmmaker.

Sa cast, kasama si Judy Ann Santos bilang Nora Aunor samantalang ang talentado at award-winning actor na si Jericho Rosales ang magbibigay-buhay sa papel ni Bernal.

Nagbabalik naman sa pag-arte si Atom Araullo pagkatapos ng “Citizen Jake” para gampanan ang role ni Spanky Manikan.

Ang kaibigan at paboritong aktres ni Ishma na si Rita Gomez ay ipo-portray naman ni Iza Calzado samantalang ang papel ni Bernardo Bernardo ay nakatoka kay John “Sweet” Lapus. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here