Ito rin ang tinatanong ng mga nagsadya sa burol ng isang miyembro ng Barretto family sa Heritage Park, si Mito–patungkol kina Julia Barretto at Gerald Anderson.
Tiyuhin ni Julia si Mito, ang panganay sa pitong Barretto siblings na anak nina Daddy Miguel at Mommy Inday.
Sighted kasi sina Julia at Gerald na sabay dumating sa burol.
Ayon sa mga nakasaksi, ipinagkakanulo ng mga kilos nila ang kumpirmadong balita tungkol sa kanilang breakup.
Matatandaang winakasan na ng Star Magic ang matagal nang ispekulasyon about their breakup nang maglabas ito ng official statement nitong September 18.
Ganoon din ang Viva Artists Agency na siyang nangangalaga sa career ni Julia.
Samantala, hindi naman nakita sa burol ang pag-uusap ng magkapatid na Marjorie at Claudine.
Pero inaasikaso nila ang ibang mga kaanak at kaibigan na naroon.
Nakiusap ang pamilya na walang showbiz media coverage dahil hindi naman artista si Mito–bagay na iginalang naman ng nagsipuntahang press.
Back to Julia and Gerald–nagkabalikan nga ba sila? Ronnie Carrasco III