Home NATIONWIDE JV Ejercito: Ilang senador ‘allergic’ na sa budget insertions

JV Ejercito: Ilang senador ‘allergic’ na sa budget insertions

314
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Sendor JV Ejercito na tila ilang mga senador ngayon ay nag-aatubili o medyo “allergic” na sa katagang “insertion” sa badyet, na naugnay sa mga kuwestiyonableng flood control projects.

Iginiit ni Ejercito sa pagdinig noong Lunes ng subcommittee on finance na walang mali sa mga mambabatas na nagmumungkahi ng mga pagbabago matapos pag-usapan ang panukalang badyet ng isang ahensya ng gobyerno.

“Maybe it’s just not being understood because of the issues. Now, some people have become afraid—whenever they hear ‘amendment’ or ‘insertion,’ they think it’s something bad. But not all amendments or insertions are bad, because if they improve, enhance, or supplement effective programs, then they are very important. And that’s part of our job—to make sure we function better,” aniya.

“We’ve become somewhat allergic to the word ‘insertion,’” dagdag niya, binabanggit na sa pamamagitan ng mga lehislatibong interbensyon o pag-amyenda na ang mga mambabatas ay maaaring makatulong sa pagpapabuti ng mga programa ng isang ahensya.

Samantala, ikinalungkot ni Sen. Loren Legarda kung paanong ang Senado ay “has been unfairly brutalized” dahil sa mga pag-amyenda sa badyet, na tinatawag ding “insertions.”

Ngunit binanggit niya na ang mga ahensya ng gobyerno ang naghahanap ng karagdagang pondo sa tuwing ilalahad nila ang kanilang panukalang badyet sa Kongreso.

Kunin ang kaso ng Department of Transportation (DOTr), na humiling sa Senado sa pagdinig noong Lunes na i-realign ang ilang item sa budget nito sa iba pang lokal na pinondohan na proyekto.

Sa pagsisimula ng pagdinig, umapela si Acting DOTr Secretary Giovanni Lopez sa mga senador na muling isaalang-alang ang kanilang badyet, dahil ang “bulk” ng capital outlay ng ahensya para sa imprastraktura ay para sa mga proyekto ng tren.

Doon sinabi ni Lopez na bilang “part of a department initiative,” hihiling ang DOTr ng ilang “reallocation or realignment” na sa tingin nito ay mahalaga at kinakailangan na pondohan ang iba pang lokal na pinondohan na mga proyekto.

“I’m glad that Secretary Lopez mentioned that because in the past days, including today, the Senate has been unfairly brutalized regarding proposed amendments, which were called insertions,” saad ni Legarda.

Gayunpaman, aniya, wala pa siyang nakikitang ahensya na hindi humihiling ng karagdagang alokasyon sa panahon ng badyet.

“When the Senate adds (funding), we’re judged, and people will say we are already amending, which is our constitutional duty. But for those who perhaps do not understand or are unaware of the process, they call it an ‘insertion.’ So we’re caught in a bind,” aniya.

“That’s not an insertion—that is a carefully studied amendment by the Senate, and that is part of the Senate’s duty,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here