Home ENTERTAINMENT Julia, inurot na magpa-breast implant!

Julia, inurot na magpa-breast implant!

Manila, Philippines – Viral ang litrato ni Julia Barretto na umaakyat ng puno ng niyog sa kanyang post sa kanyang Instagram account.

Marami naman ang na-amaze sa lakas ng loob ng aktres na kinarir ang pag-akyat ng puno.

Pati nga ang kapatid niyang si Leon ay nagtataka kung paano niya naakyat ang nasabing puno.

May mga pinag-ingat din si Julia dahil baka mahulog ito sa kanyang kinalalagyan.

Hirit naman ng iba, bata pa lang daw si Julia ay mahilig na itong umakyat ng mga puno.

May mga humanga rin sa guts ng aktres na kahit nga indoor skydiving ay kinarir nang magbakasyon ito sa Singapore.

Sey naman ng iba, hindi naman kataka-taka ang pagiging mapangahas ni Julia dahil bukod sa adventurous ay athletic ito dahil dati itong volleyball varsity player.

May mga pumuri rin sa kanyang kaseksihan bagama’t meron din namang nang-okray sa kanyang lean body at pagiging flat-chested.

Ito ang samu’t-saring komento ng netizens.

“Please don’t fall.”

“I bet you have been climbing trees since you were a kid.”

“You should consider getting breast implants.”

“Payatot, walang sexy.” Archie Liao