Home METRO P6.8M tobats nasabat sa 18-anyos

P6.8M tobats nasabat sa 18-anyos

CEBU CITY – Swak sa kulungang ang isang 18-anyos matapos na mahulihan ng P6.8 milyon halaga ng droga sa Barangay Pahina Central nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 30.

Arestado si Richie Naval Olorvida sa isinagawang buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7) at mga tauhan ng Cebu City Police Office Intelligence Unit at Station 5.

Sinabi ni PDEA-7 information officer Leia Alcantara na ang mga nasabat na shabu ay tumitimbang ng hindi bababa sa isang kilo.

Sinabi ni Alcantara na tumagal ng isang buwan ng surveillance bago nakorner ang batang drug suspect.

Idinagdag niya na magsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon upang matukoy ang posibleng mga kasamahan ng suspek.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek, ani Alcantara. RNT

Previous articleJulia, inurot na magpa-breast implant!
Next article2 barangay official sa Davao patay sa pamamaril