Home METRO 2 barangay official sa Davao patay sa pamamaril

2 barangay official sa Davao patay sa pamamaril

DAVAO — Patay ang dalawang opisyal ng barangay matapos na pagbabarilin sa sa Barangay Baganihan sa distrito ng Marilog, Sabado ng umaga, sabi ng pulisya.

Kinilala ang mga biktima na sina Joel Daguinsal Siawan, 37, isang barangay kagawad at residente ng Purok 7, Pangudlutan; at Ernesto Linog Matalam, 52, isang Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) at residente ng Sitio Namnam, Barangay Baganihan.

Patungo sana sa national highway ang dalawang biktima matapos magsagawa ng tribal ritual sa lugar nang sila ay salakayin.

Nakarinig ng putok ng baril ang mga taong sumama sa ritwal at kalaunan ay nakita nila si Siawan at Matalam na bumagsak sa lupa.

Ang putok ng baril ay naiulat na nanggaling sa kagubatan ng nayon. Patuloy na tinutugis ng pulisya ang mga suspek. RNT