Home ENTERTAINMENT Julia, pinasok na rin ang casino!

Julia, pinasok na rin ang casino!

Screenshot

Manila, Philippines – Pinasok na rin ni Julia Barretto ang pag-e-endorse ng casino.

Part na kasi ng Casino Plus family ang aktres na si Julia, at siya ang mukha ng isa sa mga popular na laro nito, ang Color Game.

Sa kabila ng iba’t-ibang games mula sa Casino Plus, tulad ng Online Slot Game, Online Table Game, Baccarat, Blackpink, Tongits and Bingo Live (coming soon), higit na nagustuhan ni Julia ang Color Game dahil madali raw itong laruin.

“Nakaka-enjoy ang Color Game, masaya, at ang online setup, e, colorful pa,” sabi pa niya.

Julia is 27 years old, at labis siyang nagpapasalamat at siya ang bagong mukha ng Color Game.

Ang sabi nga, siguradong matutuwa raw ang mga players dahil mae-excite sila with Julia kasama na rin ang chance na manalo ng malaking mga papremyo.

“20 pesos lang ang starting bet, may probability ang Color Game na mapalanunan ang jackpot kada 1.4 na araw,” pabida pa ni Julia.

Ayon sa interview ni Julia, nagagawa niyang maglaro at mag-enjoy sa Color Game sa kanyang free time sa trabaho o sa ibang ganap sa showbiz.

Dagdag pa dito, si Julia ay magging host din ng online Color Game sa darating na April 12.

Bukod sa pagiging bagong mukha ng Color Game, aktibo rin si Julia sa kanyang mga acting projects ngayong taon.

Dapat abangan ng mga fans ang kanyang paparating na Viu series na lalabas na ngayong katapusan ng Abril, ang The Secret Ingredient, na pinagbibidahan niya kasama ang international cast na sina Sang Heon Lee at Nicholas Saputra.

Ginagawa rin ngayon ni Julia ang kanyang reunion movie kasama si Carlo Aquino at Director Jason Paul Laxamana, ang Hold Me Close, at malapit na rin ang kanyang pinaka-aabangan na balik tambalan sa pelikula kasama si Joshua Garcia. JP Ignacio